-- Advertisements --

Masayang inanunsiyo ng actress na si Bianca Gonzales na ito ay gumaling na mula sa COVID-19.

Sa kaniyang social media account, nagpost ito ng kaniyang larawan at may caption sa magandang balita.

Hindi lamang siya ang dinapuan ng virus dahil maging ang kaniyang buong pamilya ay nagpositibo rin sa virus.

Nakaramdam lamang ito ng katamtamang sintomas at agad silang nag-isolate.

Pinayuhan niya ang kaniyang mga fans na dapat magkaroon ng sapat na tulog at magpa-araw din.

Marami rin aniya siyang natutuunan habang naka-isolate gaya ng makipag-ugnayan sa mga kaklase nito noong high schoo.

Isa lamang ang actress sa mga local celebrities na tinamaan ng COVID-19 na gumaling agad.