-- Advertisements --
Ikinabahala ni TV host Bianca Gonzales sa talamak na pagkalat ng mga death hoaxes sa social media.
Sinabi nito na dapat maging vigilant ang mga tao sa mga pag-share nila sa social media.
Sinabi nito na hindi maganda na maglabas ng anunsiyo na pumanaw na ang isang tao kahit wala umano itong katotohanan.
Sinang-ayunan ito ng mga fans niya kung saan sinabi nila na ang mga nagpapakalat ay pawang mga trolls na binayaran.