-- Advertisements --
Masayang ibinahagi ng TV host Bianca Gonzalez ang pagbibigay niya ng talumpati sa World Health Day celebration.
Sa kaniyang social media account ay ibinahagi niya ang mga larawan ng programa na ang host ay World Health Organization Western Pacific.
Sinabi nito na labis siyang nasisiyahan at isang karangalan aniya na maibahagi ang ilang mga kaalaman.
Laman ng talumpati nito ang kahalagahan ng pagpapalakas ng madaling pag-abot ng de kalidad na healthcare sa mga ina sa buong bansa.
Marami rin aniya itong natutunan din na mga aral mula sa ibang mga speakers na nagsalita sa nasabing programa.
Binati naman ito ng mga kasamahan niya sa showbiz at kaibigan dahil sa tagumpay nito.