-- Advertisements --

Masayang ibinalita ni Bianca King na ito ay nagdadalantao na.

Sa kaniyang social media, ibinahagi ang paglaki ng tiyan na siyang magiging unang anak nila ng asawang si Ralph Wintle.

Kuwento pa nito na matagal na nilang hinintay ang pagbubuntis.

Nagplano pa ang mga ito na sumailalim siya sa vitro fertilization (IVF) hanggang dumating ang hindi inaasahang pagbubuntis.

Noong nakaraang taon ay ikinasal ang dalawa sa Sydney, Australia.