-- Advertisements --

Nilinaw ng producer na si Dennis Evangelista na wala pang naisasapinal na kasunduan hinggil sa balak na biopic ng namatay na flight attendant na si Christine Dacera.

Batay kasi sa lumabas na impormasyon, nag-uusap na si Evangelista at ang ina ni Christine na si Sharon kung saan ang 20-year-old actress na si Bianca Umali raw ang sinasabing “taste” na gumanap.

Usap-usapan din na sesentro ang biopic sa gabi na natagpuang patay sa bath tub ang 23-year-old flight attendant sa isang hotel sa Makati.

“Wala pa rin. Wala pa talaga,” saad ni Dennis sa Pilipino Star Ngayon.

Wala pa namang komento si Umali kaugnay ng pagkakapili umano sa kanya.