Naniniwala ang Malakanyang na malaking bagay para sa pagpapalakas ng defense posture ng bansa ang bibilhing 20 fighter jets ng Pilipinas sa Amerika.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin bagamat hindi niya batid ang detalye sa nasabing deal, ang mga nasabing aircraft ay gagamitin para sa pagpapalakas ng ating depensa.
Sinabi ni Bersamin nais ng Amerika palakasin pa ang defensive posture ng Pilipinas lalo at nahaharap ang bansa sa mga banta lalo na sa usaping teritoryo.
Nilinaw naman ni Bersamin na walang pinupuntiryang target o bansa ang mga bibilhing fighter jets.
Binigyang-diin ni Bersamin na ang pagpayag ng US na makabili ang Pilipinas ng fighter aircraft ay bahagi ng commitment ng Trump administration kay Pangulong Ferdinand marcos Jr.
Aniya, bahagi ng pag-uusap nina US Secretary of Defense Pete Hegseth at Defense Secretary Gilberto Teodoro ang gagawing acquisition ng Pilipinas sa 20 F-16 fighter jets.
Una ng kinumpirma ng US State Department na inaprubahan na ang pagbenta ng Amerika ng 20 F16 jets sa Pilipinas.
Gayunpaman sa panig ng Department of National Defense (DND) kanilang inihayag na hanggang sa ngayon wala pa silang natatanggap na notice kaugnay sa naging desisyon ng US government.
” As far as the details are concerned, I have no awareness of them. The principle of it, the Americans would give us the material for a defensive force, defensive stance. That’s okay because the details will be worked out still. But that is not for any specific target or state. That is for our defensive posture,” pahayag ni ES Lucas Bersamin.