-- Advertisements --
Napabilang muli sa 100 best cakes sa buong mundo ang ipinagmamalaking kakanin ng bansa ang bibingka.
Ayon sa “Encyclopedia of flavors” ng Taste Atlas nasa pang-16 na mayroong ratings na 4.4 stars ang bibingka.
Bumaba ang ranking nito noong nakaraang taon na nasa pang-13.
Isinalarawan ang ito bilang “simple Filipino cake na gawa sa malagkit at tubig”.
Nanguna naman sa listahan ang Medovik ng Russia na isang uri ng layered honey cake.