-- Advertisements --

Nagkasundo at inaprubahan na ng Bicameral Conference Committee na gawin ng Department of Economic Planning and Development (DEPDEV) ang kasalukuyang National Economic Development Authority (NEDA).

Si Salceda ang may akda sa panukalang magtatatag ng independent economic planning department at sa wakas makalipas ang 40 taon nakumpleto na ng Kongreso ang mandato ng Konstitusyon sa paglikha ng malayang ahensya sa pagpaplano ng ekonomiya na may pangangatawan ng isang buong departamento ng Gabinete.

Partikular na ipinagkatiwala ng Article XII, Seksyon 9 ng Konstitusyon sa Kongreso ang responsibilidad na ito.

” Indeed, the 1987 Constitution is the only constitution in the world which gave the national legislature this specific task,” pahayag ni Salceda.

Dagdag pa ng ekonomistang mambabatas na malinaw sa Konstitusyon na pansamantala lamang ang pagpuno ng NEDA sa papel na ito.

Aniya, ang pangangailangan ng malayang pagsusuri sa ekonomiya ay may malalim na ugat sa ating makabagong kasaysayan.

Sa nalalapit na pagsasabatas ng DEPDEV bill, mayroon nang standing definition para sa kalayaan ng Departamento.

Malaya ang DEPDEV na magbigay ng “impartial, objective, and evidence-based analyses and recommendations para sa socio-economic betterment ng bansa at operationally lagi itong papayagan na magkaroon ng say sa pamamahala ng ating ekonomiya.

Ang mga Komite sa ilalim ng NEDA ay institusyonal na rin ngayon.

Na institutionalize na rin ang SubCommittee on Inflation Monitoring para matiyak na may hawakan ang gobyerno sa presyo.

Ibinahagi din ni Salceda na bilang dating Chair ng Regional Development Council of Bicol sa loob ng siyam na taon, at bilang Chair ng Luzon Area Development Coordinating Council, hinangad rin niya na i- institutionalize ang mga RDC bilang instrumento ng pambansang kaunlaran.

” An independent economic planning department means while we may differ politically, our decisions will be based on facts, evidence, and a long-term view of the country’s prospects,” paliwanag ni Salceda.