Ibinasura ng senado ang report ng bicameral conference committee sa disagreeing provision ng Modernization bill ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Dahil sa nakasaad sa nasabing probisyon ang pagpayag sa mga bumbero ng magdala ng mga baril tuwing may mga emergency.
Nais linawin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kay Senator Ronald Dela Rosa ang may sponsor sa nasabing bicam report na kung kasama na sa final version ng BFP modernization bill ang pagbibigay ng otorisasyon sa mga ito na bumili at gumamit ng baril tuwing may operasyon.
Sinagot naman ni Dela Rosa ang tanong ni Drilon at sinabing kasama ang nasabing probisyon pero ito ay na-modified na o may bahagyang pagbabago.
Sinabi ni Dela Rosa na hindi lahat ng buong BFP ang aarmasan at sa halip ay bawat regional o city fire station ang magkakaroon ng seven-member team na tinatawag na Security and Protection Unit na sila ang bibigyan ng otorisasyon na magdala ng mga baril.
Matapos ang mahabang diskusyon ay nagsagawa na lamang ng nominal voting sa bicam report kung saan sa botong 11affirmative, walong negative at tatlong abstention ay sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na kailangan raitpikahan ang bicam reports.
Hindi kasi nakuha ni Dela Rosa ang 12 boto para makakuha ang absolute majority.