NAGA CITY – Nakahanda na ang mga sasalubong sa mga atletang sumabak sa Palarong Pambansa 2019 sa Davao City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga sinabi ni Department of Education (DepEd)-Bicol Regional Director Dr. Gilbert Sadsad, na nagbigay na siya ng direktiba sa mga kawani ng kagawaran kaugnay ng aktibidad.
Ayon sa opisyal, pagbaba pa lang umano ng Matnog Port ng mga atleta sasalubungin na ito ng mga tarpaulins na laman ang pagbati at pag-welcome.
Bawat division at probinsiya umano na dadaanan ng mga delegasyon mayroong mga tarpaulin na ilalatag.
Samantala, nakatakda naman ang isang press conference sa May 7 kung saan ipapatawag rin ang lahat ng mga nakakuha ng medalya dahil dadagdagan umano nila ang una ng ipinangakong cash incentives sa mga ito.
Aabot sa mahigit P300,000 ang maibibigay sa mga nanalong atleta sa kani-kanilang nilahukang laro sa Palarong Pambansa 2019.