LEGAZPI CITY- Nasa ikalimang pwesto na ang Bicol Vulcans sa nagpapatuloy na sa Palarong Pambansa 2019 na isinasagawa sa Davao City.
Base sa pinakahuling labas na medal tally, nakakuha na ang delegasyon ng Bicol ng 17 gold medals, 13 silver at 16 na bronze.
Nananatili naman sa unang pwesto ang National Capital Region na may 37 gold medals; pangalawa ang Western Visayas na may 26 gold medals; pangatlo ang Calabarzon na may 22 golds; at pang-apat sa ranking ang Region 12 na may 18 gold medals.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DepEd Bicol Project Development officer II Mark Kevin Arroco, binati nito ang magandang performance at pagpupursige ng mga delegado na makapag-uwi ng karangalan sa Bicol.
Giit ni Arroco na mas gumanda na ngayon ang performance ng Bicol Vulcans kumpara sa mga nakaraang taon kung saan taong 2018 ng walo lang ang nauwing gold ng rehiyon habang siyam naman noong 2017.