-- Advertisements --

NAGA CITY – Nagpasiklaban sa pagluluto ng Bicol express ang mga emplyedo ng sangguniang panlalawigan sa Camarines Sur sa isinagawang soft launching ng kauna-unahang Bicol Express Food Festival sa Pili, Camarines Sur.

Layunin ng naturang aktibidad na maipakilala ang lutong Bicol express sa loob at labas ng Pilipinas at kilalanin ang lalawigan ng Camarines Sur bilang isa sa pinakapangunahing destinasyon pagdating sa pagluluto ng nasabing putahe.

Pinangunahan mismo ni CamSur Vice Governor Imelda Papin ang naturang aktibidad.

Samantala, kumpiyansa naman si Papin na isa itong paraan upang matulungan ang mga mamamayan na magkaroon ng mapagkakakitaan sa paraan ng pagbebenta ng nasabing Bicolano Delicacy kung magiging province wide na ang Bicol Express Food Festival sa mga susunod na taon.

Ang Bicol Express ay isang popular na pagkain sa rehiyon na niluluto gamit ang sili, gata, maliliit na hipon, at karneng baboy.