-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Magiging operational na ang Bicol International Airport sa Albay sa buwan ng Setyembre na inaasahang malaking tulong sa turismo, transportasyon at ekonomiya sa rehiyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay City Mayor Noel Rosal, chairman ng Bicol Regional Development Council, sinabi umano ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Department of Transportation (DOTr) na sa ngayon nasa 70% na ng paliparan ang natapos na at ilang buwan na lamang ang gugulin sa pagkompleto ng patrabaho.

Sakaling mapabilis pa ang takbo ng proyekto, maaaring maging operational na ito sa buwan ng Agosto.

Paglilinaw lamang ni Rosal na limitado muna sa domestic flights ang operasyon dahil humaharap pa ang mundo sa pandemic.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na si Rosal sa iba pang mga ahensya para sa mga kinakailangang paghahanda sa pagbubukas ng international aiport.