-- Advertisements --

NAGA CITY- Tinatayang umabot na sa lima katao ang binawian ng buhay dahil sa naranasang sama ng panahon sa Bicol Region.

Sa datos ng Office of the Civil Defense(OCD-Bicol) napag-alaman na tatlo sa nasabing mga binawian ng buhay ay pawang mula sa probinsya ng Camarines Sur habang dalawa ang mula naman sa probinsya ng Sorsogon.

Habang isa naman ang nawawala sa probinsya ng Camarines Norte.

Nabatid na umabot na sa 147 ang lugar na nakapagtala ng pagbaha mula sa 20 municipalities at tatlo lungsod.

Kaugnay nito mula sa 17 na bayan at dalawang lungsod ay nakapag tala rin ng halos nasa 30 pagguho ng lupa.

Una na rito ng pansamantala munang ikansela ang dalawang flights sa Naga Airport papuntang Manila at pabalik sa lugar dahil narin sa patuloy na pag-ulan.

Sa ngayon, kasalukuyan ng nararansan ang mainit na panahon sa rehiyon matapos ang ilang araw na pagbuhos ng pag-ulan.