Nadagdagan pa nang 39 ang bilang ng tinamaan ng coronavirus disease o COVID-19 sa Bicol region.
Sa huling datos ng DOH CHD- Bicol, umabot na sa 551 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng sakit sa rehiyon habang nasa 293 ang active cases
Ito na ang pinakamataas na naitalang bagong kaso ng nakakahawang sakit sa rehiyon sa loob ng isang araw.
Sa nasabing bilang 13 dito ang mula sa Camarines Sur (1 Buhi, 5, Canaman, 3 Iriga City, 1 Lagonoy, 1 Minalabac, 2 Pili), 9 sa Naga City, 8 mula sa Albay (5 Legazpi City, 2 Daraga, 1 Tabaco City) at 3 sa Sorsogon (1 Bulan, 1 GUbat, 1 Magallanes).
Isa naman ang napaulat na nasawi na mula sa bayan ng Daraga sa Albay na si Bicol#520, isang 57-anyos na lalaki at na-admit sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) noong August 1, 2020 matapos makaranas ng sintomas ng sakit.
Ayun sa ahensya, Cardiogenic Shock secondary to heart failure functional class 4, Aortic Stenosis at Community Acquired Pneumonia ang ikinamatay ng nasabing pasyente.
Dahil dito, umaktyat na sa 14 ang COVID-19 related deaths sa rehiyon.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang ahensya sa mga pamilyang naiwan ng pasyente.