-- Advertisements --

NAGA CITY – Kasalakuyan pa ring nasa ika-10 pwesto ang Bicol region pagdating sa economic performance sa Pilipinas.

Ito ay batay sa 2018-2020 data ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Mababatid na bumaba ng halos 8.4% ang Gross Regional Domestic Product (GRDP) ng rehiyon dulot ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Sa naging pahayag ni Engr. Cynthia Perdiz, regional director ng PSA-Bicol sa isinagawang press conference ng ahensiya, sinabi nito na nangunguna ang net exports ng rehiyon ng Bicol sa buong Pilipinas sa may pinakamalaking kontribusyon sa pagtaas ng expenditure na nasa 7.7%.

Samantala, ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) naman ang itinuturing na may pinakamaliit na contraction na may -1.9% ngunit may pinakamalaking pagbagsak naman sa economic performance ang Central Luzon.

Dagdag pa ni Perdiz, walang rehiyon ang predominantly agricultural ang istruktura ng ekonomiya ngunit predominanlty industrial ang Region 4-A (CALABARZON).

Kaugnay nito, itinuturing ding predominantly services-based ang natitirang rehiyon sa bansa kasama na ang Bicol region.

Sa kabila nito kung per capita GRDP/GRDE ng rehiyon ang pag-uusapan, pumapangalawa naman ito sa may pinakamababang porsyento noong 2020