Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sa 3,471 na barangays sa Bicol region ay 3,024 na ang cleared sa illegal drugs.
Dahil dito, posible raw na makamit ng Region 5 ang drug-cleared status sa susunod na dalawang taon ayon kay PDEA-5 Regional Director Edgar Jubay.
Ito raw ang resulta ng aktibong partisipasyon ng Local Government Units (LGU) para ma-klaro sa droga ang mga komunidad gayundin ang suporta umano ng mga stakeholders.
Nangunguna ang lalawigan ng Catanduanes at Sorsogon dahil apat na barangay na lamang ang hindi pa idinedeklarang drug-cleared.
Ayon kay Jubay, nakikipagtulungan sila sa iba’t ibang law enforcement agencies para ma-monitor at ma-secure ang borders ng Bicol region para matigil na ang pagpasok ng iligal na droga.