-- Advertisements --
Pinag-iingat ng Pagasa ang mga residente ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa epekto ng trough ng typhoon Hagibis.
Ayon kay Pagasa forecaster Lorie dela Cruz, aasahan ang pagbuhos ng ulan sa Bicol Region hanggang sa mga darating na araw, gayundin sa Eastern at Central Visayas, hanggang sa Caraga at Davao regions.
Pero nilinaw ng Pagasa na hindi direktang dadaan sa landmass ng Pilipinas ang naturang malakas na bagyo.
Huli itong namataan sa layong 1,845 km sa silangan ng Northern Luzon.
May lakas itong 200 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 245 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pahilaga sa bilis na 20 kph.