LEGAZPI CITY – Inaasahang magtatapos sa ika-limang pwesto ang delegasyon ng Bicol Vulcans sa Palarong Pambansa 2019 sa Davao City at nakatakdang magtapos ngayong araw.
Sa latest medal tally, nakaipon ang mga players mula sa Bicol ng 23 gold medals, 22 silver at 30 bronze.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mark Kevin Arroco, Project Development Officer 2 ng Department of Education (DepEd)-Bicol, matindi ang ipinakitang performance ng Bicol Vulcans ngayong taon kung ikukumpara sa mga nakalipas na palaro.
Nagpasalamat at binati naman ng opisyal ang magandang hosting ng Davao City na hindi umano nagpabaya sa akomodasyon at pagpapakain sa mga players na mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Samantala, nananatiling hawak ng National Capital Region ang unang pwesto na sinusundan ng CALABARZON at Western Visayas Region.