LEGAZPI CITY – Hindi naging madali para sa Bicolana ang manguna sa Asia Pacific Public Speaking Competition na isinagawa sa online platform.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Rica Marfil, tubong Camalig, Albay at 1st Placer sa Asia Pacific Public Speaking Competition, bago ang kompetisyon dumaan pa siya sa anxiety.
Isa pa sa mga naging hamon ay ang kawalan ng wifi kaya pasalamat sa mga kaklase na nagpatuloy sa bahay ng mga ito para lamang makapag-compete.
Ipinanlaban ni Marfil na ideya sa kompetisyon, ay kaugnay sa project na sumesentro sa special needs ng mga kabataan sa edad 15 hanggang 17-anyos na maituturing na special children.
Proud na proud naman ang ina ni Marfil na single parent.
Dahil sa bandang huli, nagtagumpay ito kung kaya labis ang pasasalamat sa Panginoon at sa lahat ng sumuporta sa kaniya.
Mula sa pagiging 2nd placer sa national competition at first place sa Southeast Asian competition, nanguna na ito sa buong Asia.
Sunod na laban ni Marfil, dala na nito ang pangalan ng buong Asya sa global competition.