Napili si Blessie Mae Abagat ang singer mula sa Camaligan, Camarines Sur na kakanta ng “Lupang Hinirang” sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Hulyo 22.
Sinabi nito na ilang linggo na siyang nag-eensayo kung saan sumailalim pa siya sa Academy of Performing Arts para sa SONA.
Ang 27-anyos na singer ay tinuruan ng mga trainers mula sa World Championship of Performing Arts (WCOPA) Philippines.
Hindi rin ito makapaniwala na siya ang mapipili na kakanta ng national anthem sa SONA.
Si Blessie ay nag-uwi na ng mga ilang medalya mula sa mga prestisyosong international competition gaya ng 2024 Division Medal Champion for the Vocal Pop category, gold medals para sa Vocal Gospel, Vocal Contemporary, Vocal World, at Vocal Broadway.