-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Disiplina sa sarili at pananampalataya sa Diyos ang sikreto ng Biconalang Top 9 sa March 2023 Licensure Examination for Professional Teachers sa Elementary Level.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Rochelle Anne Galve ng Bicol University na nakakuha ng average score na 90.60%, talagang tinutokan nito ang pagrereview para sa licensure exam kung saan kung saan ilang linggo munang iniwasan ang paggagala at mga destructions sa pag-aaral.

Malaki rin umano ang naitulong ng pananampalataya upang hindi mawalan ng pag-asa at magpatuloy pa rin sa pag-aaral kahit panahihirapan pa.

Ibinahagi rin ni Galve na hindi niya target na makapasok sa top nocthers bagkos ay nais lang na makapasa sa licensure exam kung kaya labis ang pasasalamat na nakapasok pa sa top 9.

Mensahe naman nito sa mga kukuha rin ng eksaminasyon na magtiyaga at ibigay na ang lahat ng makakaya sa pagrereview dahil sulit naman ang resulta ng mga pagpapagod.

Sa ngunyan ay hindi pa nakakapagdesisyon si Galve ano ang susunod na plano subalit pinag-iisipan ang pagtuturo sa kanilang lugar sa Bulusan, Sorsogon kung mabibigyan ng pagkakataon.

Maliban kay Galve, tatlong Bicolano ang pasok rin sa top notchers sa Licensure Examination for Professional Teachers sa secondary level kabilang na sina Andrea Grace Nocete na Top 8, Gelli Guillermo na Top 9 at Joanna Barbacena na Top 10.