LEGAZPI CITY- Itinuturing na malaking karangalan ng isang Bicolano advocate ang pagtanggap ng pagkilala bilang Most Exemplary Young Mental Health Advocate and Inspiring Public Servant of the Year.
Ito matapos ang pagpili ng Namumukod Tanging Pilipino sa Iba’t ibang larangan ang award giving body na Hinirang ng Pilipinas.
Kabilang sa mga nabigyan ng pagkilala ang mga personalidad na may malaking kontribusyon sa sektor ng edukasyon, mula sa Philippine National Police at iba pa.
Ayon sa Mental Health Advocate at Co-founder ng Bantay Kabataan Kausap Program Mental Health Advocacy na si Anthony Sambajon sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na sa pamamagitan ng naturang award ay mas lalakas pa ang kanilang pagbabais na makapag inspire at makapagbigay ng pag-asa.
Ang naturang grupo kasi ay kilala sa pagtulong sa mga nakakaranas ng problema sa mental health.
Dahil dito at umaasa ang grupo na mas mabubuksan pa ang kaisipan ng publiko sa mental health.
Nabatid na kabilang sa mga pinagbasehan ng award giving body ay kung ano ang nangyayari sa sinimulang adbokasyiya, mga direksyon at development nito, gayundin ang epekto ng isang personalidad o grupo sa komunidad.