Suportado ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan, ang plano ng Department of Transportation (DOTR) na magpatakbo ng cargo rail line sa pagitan ng Laguna at Albay.
Sinabi ni Yamsuan na ang nasabing plano ay gaganap ng mahalagang papel para sa muling pagpapalakas ng ekonomiya ng Bicol Region, tumutulong din ito sa pagbaba ng presyo ng pagkain para sa mga mamimili.
Umaasa si Yamsuan na isusulong ng DOTr ang panukalang P5 billion freight service project sa Laguna at Albay.
Matagal nang tagapagtaguyod si Yamsuan para sa muling pagbuhay ng linya ng tren ng Bicol Express.
Naniniwala ang Kongresista na malaking tulong para sa mga magsasaka sa Bicol at mga traders ang nasabing proyekto dahil ang rail transportation ay mura at napaka episyente pa lalo sa mga malakihang volumes ng mga cargo na mula sa mga malalayong lugar.
Una ng inihayag ni DOTr Undersecretary Jeremy Regino na kanilang ililipat ang kanilang train fleet sa existing lines na Calabarzon (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon) corridor at ang Bicol Region ng sa gayon makapag-operate ito bilang mga cargo trains sa pagitan ng Calamba, Laguna at Legazpi, Albay sa susunod na taon.
Plano ng DOTr na mag-operate ng isang freight trip bawat araw sa gabi upang maiwasan na madisrupt ang commuter services ng Laguna-Albay line.
Dahil dito siniguro ni Yamsuan na kaniyang suportahan ang DOTr-PNR project sa nalalapit na 2025 budget deliberations.
Sa ngayon kasi wala pang malinaw na mapapagkunan ng pondo para muling buhayin ang Bicol Express line.