LEGAZPI CITY – Ibinahagi ng Bicolanong Top 1 sa April 2023 Licensure Examinaton for Criminologists ang kanyang sikretong istilo ng pagrereview na dahilan upang makakuha ng pinakamataas na marka sa eksaminasyon umabot sa 89%.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Kenneth Olbita Dela Torre ng Barangay San Isidro Poblacion, Tinambac, Camarines Sur, araw-araw sa loob ng tatlong linggo, 12 oras siya kung magreview para sa eksaminasyon.
Sa unang mga araw, pahirapan pa umano ang pagrereview na inaabot lamang ng lima hanggang walong oras, subalit sa pagtatiyag at disiplina sa sarili ay nakaya rin na magbasa at mag-aral ng dere-seretsyong 12 oras.
Nakatulong umano ang istilo ng pagrereview na ito upang mapag-aralang mabuti ang mga posibleng lumabas sa eksaminasyon, bagay na maganda naman ang naging resulta.
Insperasyon ng Top notcher ang kanyang mga kapamilya, kaibiga at ang nobya nito na walang sawa na sumuporta at gumabay sa kanya.
Sa ngayon ay marami ng natatanggap na offer na trabaho si Dela Torre subalit plano nitong magdiwang na muna bago pag-isipan ang susunod na gagawing hakbang.