NAGA CITY – Plano ngayon ni Naga City Councilor Lito Del Rosario na maisama na sa Guiness Book of World Records ang Bicol’s Military Parade bilang longest parade sa mundo.
Ayon kay Del Rosario, ang military parade na isinasagawa tuwing Penafrancia Festival ang natatanging parada sa bansa na tumatagal mula 12 oras hanggang 24 oras.
Maliban dito, umaabot sa halos 800 mga paaralan at mahigit 11,000 na mga mag-aaral ang kadalasang kalahok sa nasabing aktibidad.
Kaugnay nito, oras na aniya para i-entry ang naturang kompetisyon kung saan isa sa pinakamahabang parada sa kasaysayan ng bansa na layuning ipakita ang debosyon kay Nuestra Senora de Penafrancia.
Ang Bicol’s Military Parade ang taun-taong isinasagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Penafrancia festival at ikinokonsidera rin bilang longest military parade sa bansa.