-- Advertisements --

Inilunsad ng Quezon City government ang voluntary bike registration para maiwasan ang nakawan ng mga ito.

Sinabi ni QC Department of Public Order and Safety Head Elmo San Diego na mahalaga ang nasabing pagpaparehistro para agad na matukoy ang kinaroroonan ng mga ninakaw na mga bisikleta.

Lalagyan aniya ng mga ito ng digitized o metal stamper para hindi na agad na mapalitan kahit na palitan ito ng pintura.

Eksklusibo lamang aniya ang mga ito sa mga taga Quezon City at ang registration ay nagkakahalaga ng P150.