CEBU – Matagumpay na naisagawa ang grand launching ng “Buhay Ingatan, Droga’y Awayan” (BIDA) ng Department of the Interior and Local Government Region VII (DILG-7) sa Visayas Leg program sa Plaza Independencia, Cebu City, noong Nobyembre 26. , 2022.
Ibinunyag ni Police Regional Office Central Visayas Director Brigadier General Roderick Augustus Alba na naging matagumpay ang paglulunsad ng nasabing programa sa Cebu at simula pa lamang ito ng mas malaking hamon para sa pulisya ngunit kung sasabayan ng suporta ng mga mamamayan ng Central Visayas makakamit ang higit na mapayapang komunidad gayundin ang mga Barangay na drug free.
Ang BIDA program ay ang panibagong programa ng gobyerno laban sa iligal na droga na naglalayong itaas ang kamalayan at hikayatin ang partisipasyon ng komunidad sa pagbabawas ng demand sa droga.
Kung saan nagsimula ang aktibidad sa bike ride, fun run, at zumba session, daan-daang partisipante mula sa iba’t ibang local government units ang lumahok sa mga aktibidad.
Ang grand launching ay dinaluhan din ng mga opisyal ng DILG sa pangunguna ni Usec. Marlo Iringan, mga lokal na opisyal, ahensya ng pambansang pamahalaan, katuwang na NGO, at mga tauhan mula sa PNP, BFP, BJMP, at PDEA.
Nabatid na natapos ang paglulunsad sa Visayas sa paglagda ng mga dumalo sa statement of solidarity para ipahayag ang kanilang pangako sa pagpapatupad ng mga layunin ng BIDA program sa kanilang mga nasasakupan.