-- Advertisements --
Pumanaw na ang British actress na si Glynis Johns sa edad na 100 sa isang assisted living home sa Los Angeles. ‘Yan ang kinumpirma kahapon, January 4, ng manager ng aktres na si Mitch Clem ngunit hindi na nito isinaad ang dahilan ng pagkamatay ni Johns.
Nakilala si Johns sa role nito bilang Mrs. Banks sa 1964 classic na “Mary Poppins.” Napabilang din ito sa humigit-kumulang na 30 plays. Isa na rito ang Broadway musical production na “A Little Night Music” kung saan nanalo siya ng Tony award.
Gumanap din siya sa pelkula noong 1960 na “The Sundowenrs” dahilan para maging nominado siya sa Oscars.