-- Advertisements --

Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na malaki ang maitutulong ng administrasyon ni US President Joe Biden sa Pilipinas.


Sa virtual forum na inorganisa ng Foreign Correspondents Association of the Philippines o FOCAP, sinabi ni Lorenzana na ang taong 2021 ay may dalang pangako ng bagong simula sa relasyon ng bansa at US.

Paliwanag ng kalihim, posibleng makinabang ang Pilipinas kung pagtutuunan ng US ang Asya nang sa gayon ay magkaroon ng counterbalance sa China.

Isa kasi ang Pilipinas sa mga bansa na matagal nang kaalyado ng US kahit na magpalit ng liderato.

Nabatid na nasasangkot din ng ang US sa territorial issue sa West Philippine Sea.

Tutol kasi ito sa pananakop ng China sa mga isla sa karagatan.

Samantala, sinabi naman ni Lorenzana na batid nyang dahil sa tumataas na tensyon sa pagitan ng US at China ay hindi malayong maiipit ang Pilipinas.