-- Advertisements --

Pinayuhan ni US President Joe Biden si Israel Prime MInister Benjamin Netanyahu na bawasan umano ang missile attack nito sa Palestine.

Ito ang naging payo ng US president nang tawagan niya si Netanyahu.

Ito na ang pang-apat na pakikipag-usap ni Biden kay Netanyahu mula ng magsimula ang sigalot halos dalawang linggo na ang nakakalipas.

Nagmatigas naman si Netanyahu na ipagpapatuloy pa rin nito ang pag-atake kung kinakailangan.

Magugunitang maraming mga lider ng bansa ang nananawagan sa Israel at Hamas militant na magkaroon ng ceasefire dahil sa maraming buhay na ang nadadamay.