-- Advertisements --

Dadaan sa routinary COVID-19 testing sina US Democratic presidential nominee Joe Biden at Kamala Harris.

Ayon sa tagapagsalita ni Biden na si Andrew Bates, na ito ay gagawin sa kasagsagan ng kanilang pangangampanya.

Bukod sa 77-anyos na si Biden at 55-anyos Harris ay sasailalim din ang mga pangunahing nakasama nila base na rin sa payo ng kanilang mga doctor.

Nais lamang aniya nilang tiyakin na hindi nadadapuan ng COVID-19 ang pambato ng Democrats sa November presidential elections.