-- Advertisements --

Makikipagpulong sina US President Joe Biden at Vice President Kamala Harris sa mga American-Asian community at mga opisyal ng Atlanta.

Ang nasabing pagdalaw ay ilang araw matapos ang madugong pamamaril sa ilang spa na ikinasawi ng walong katao kung saan anim dito ay pawang mga babaeng Asyano.

Bukod pa dito ay tutungo ang dalawang opisyal sa Centers for Disease Control para makakuha ng update sa paglaban ng lugar sa COVID-19.

Mayroon na kasing schedule ang dalawa na magtungo sa lugar para sa promosyon ng $1.9 trillion economic relief package ni Biden.