Iniulat ng mga US at UK leaders na hindi lahat ng pag-asa ay nawawala para sa isang diplomatikong solusyon sa nangyaring krisis sa Ukraine, ngunit nagbabala na nananatiling marupok ang sitwasyon.
Sa loob ng 40-minute call nina US President Joe Biden at UK Prime Minister Boris Johnson, sumang-ayon ang dalawa na posible pa rin ang isang deal sa kabila ng mga babala ng napipintong military action ng Russia.
Palaging itinanggi ng Russia ang mga planong salakayin ang Ukraine, sa kabila ng presensya ng higit sa 100,000 tropa sa border nito.
Napag-alaman na mahigit sa isang dosenang bansa na ang humimok sa kanilang mga mamamayan na umalis sa Ukraine, at sinabi ng US na maaaring magsimula ang mga aerial bombardment “anumang oras”.
Ngunit sa kanilang pag-uusap ay sinabi nina iden at Johnson na nanatili pa rin ang isang “crucial window” para sa diplomasya.