-- Advertisements --

Muling nagkausap sa telepono si US President Joe Biden at Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Ayon sa White House, na tinalakay nila ang progreso sa negosasyon ng pagpapalaya sa mga bihag.

Base kasi sa proposal ni inilatag ni Biden noong Mayo na marapat na magkaroon ng agarang tigil-putukan, pagpapalaya sa mga bihag at ang pagdagdag sa mga humanitarian aid na papasok sa Gaza.

Ibinahagi din ni Biden ang kahalagahan ng ceasefire gaya sa nangyari sa Lebanon noong Nobyembre at ang pagkakatanggal kay Syrian President Bashar al-Assad sa puwesto.

Pinasalamatan naman ni Netanyahu si Biden at si incoming President Donald Trump dahil sa walang tigil na pagsusulong ng usaping pangkapayapaan sa Gaza.