-- Advertisements --

Muling nagkausap sina US President Joe Biden at Israeli Prime Minster Benjamin Netanyahu.

Ayon sa White House na ang pag-uusap ng dalawa sa telepono ay para hikayatin si Netanyahu na tumugon na sa ceasefire.

Giit ni Biden ang kahalagahan ng nasabing ceasefire.

Natalakay din ang pagsuporta ng US sa Israel sakaling matuloy ang paglusob ng Iran sa Israel.

Magugunitang nagbanta ang Iran na sila ay gaganti matapos na mapatay si Hamas leader Ismail Hanniyeh sa Tehran noong Hulyo 31.