-- Advertisements --

Muling nakausap ni US President Joe Biden si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Ang mahigit na 30-minutong pag-uusap ay siyang unang pangkakataon matapos dalawang buwan ng huli silang nag-usap.

Ilan sa mga tinalakay ng dalawa ay ang pagpapaliban ng pag-atake sa Lebanon.

Sinabi ni White House press secretary Karine Jean-Pierre na ang pag-atake sa Iran ay dapat maging pantay.

Magugunitang iginigiit ng Israel na hindi nila kailanganan na magpaalam sa US sa gagawing airstrike sa Iran.