-- Advertisements --

Muling nagkausap si US President Joe Biden at Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa telepono.

Tinalakay ng dalawang lider ng bansa ang pagsusulong ng tigil putukan sa pagitan ng Israel at Hamas.

Nagpasya si Netanyahu na magpapadala ito ng delegasyon sa Hamas para panukalang pagpapalaya ng mga bihag nila.

Pero nanindigan si Netanyahu na kaniyang tatapusin lamang ang giyer kapag nakamit na nila ang mga adhikain.

Magugunitang nakausap na ng Israel at Hamas ang mga mediators mula Qatar, Egypt at Turkey at napag-usapan kung paano ang sistema ng pagpapalit ng mga bihag.