-- Advertisements --

Inalis muna ng mga Democrats at Republicans ang pamumulitika sa paggunita ng September 11, 2001 terrorist attacks.

Ito ay matapos na magkasabay na dumalo sina dating vice president Joe Biden at Mike Pence sa New York kung saan nasa 3,000 ang nasawi dahil sa pagbagsak ng World Trade Center.

Nagkasabay sina Pence at Biden na ginunita ang madugong pangyayari sa kasaysayan ng US.

Nag-untugan pa ang dalawa ng kanilang siko bilang pag-iingat na rin sa pagkalat ng COVID-19.

Pinili naman na dumalo si US President Donald Trump kasama si First Lady Melania Trump sa Shanksville, Pennsylvania.

Doon kasi bumagsak ang eroplano na pinasok ng hijackers kung saan 40 pasahero ang patay sa Flight 93.

Nakibahagi si Trump sa pagbabasa ng mga pangalan ng nasawi.

Kinilala din ng US President ang mga rescuers bukod pa sa mga biktima ng madugong terror attack.