-- Advertisements --

Magtutungo sa Vatican si US President Joe Biden sa katapusan ng buwan ng Oktubre.

Ayon sa White House, magkikita ang US president at si Pope France.

Ang pagbisita ni Biden sa Vatican ay ilang araw bago ang pagdalo nito sa G20 summit sa Rome mula Oktubre 30 hanggang 31.

Pagkatapos ng pagtungo sa Italy ay magtutungo si Biden sa Glasgow sa Scotland para dumalo sa COP26 climate change summit.

Isa sa pag-uusapan ni Biden at Santo Papa ay ang paglaban sa COVID-19.

Si Biden na isang Katoliko ay una nang nakadaupang noon si Francis.