-- Advertisements --

Isasagawa na sa susunod na buwan ang pagkikita nina US President Joe Biden at Russian President Vladimir Putin.

Ayon sa White House, gaganapin ang unang face-to-face meeting ng dalawang opisyal sa Geneva, Switzerland sa Hunyo 16, 2021.

Ilan sa mga tatalakayin ay ang pagpapaigting ng relasyon ng US at Russia kabilang na ang paglaban sa COVID-19.

Nakatakdang bumiyahe sa Switzerland sa susunod na linggo si security adviser Jake Sullivan kasama ang Russian counterpart para maplantsa ang nasabing pagpupulong ng dalawang lider.

Ang pagpupulong ay siyang unang pagbiyahe sa ibang bansa ni Biden mula ng ito ay maupo sa puwesto.