-- Advertisements --
Pinaghahandaan na ng White House ang nakatakdang pagkikita ni US President Joe Biden at Queen Elizabeth II.
Gagawin ito sa Hunyo 13 sa Windsor Castle pagkatapos mismo ng pagdalo ni Biden sa G7 Summit.
Si Biden ang siyang magiging pang-12 na pangulo ng US na makikipagkita kay Queen Elizabeth.
Noong 2019 ng makipagkita si Queen Elizabeth kay dating US President Donald Trump at Melania Trump sa Buckingham Palace.
Magugunitang gaganapin ang tinaguriang Group of Seven o G7 Summit sa Cornwall, England na dadaluhan ng mga lider ng Germany, Italy, Canada, France, Japan, United Kingdom at US.