-- Advertisements --

Isinasapinal na ng White House ang nakatakdang pagkikita nina US President Joe Biden at Queen Elizabeth II.

Gagawin ang face-to-face meeting ng dalawa kasama si first lady Jill Biden bago ang pagtungo ng US President sa G7 Summit sa Brussels sa darating na Hunyo 14.

Matapos nito ay susunod makikipagpulong si Biden kay Russian President Vladimir Putin sa Hunyo 16.

Ito ang unang pagbiyahe sa labas ng bansa ni Biden mula ng ito ay maupo sa pagkapangulo.