-- Advertisements --
Magsasagawa ng virtual summit sina US President Joe Biden at Chinese President Xi Jinping.
Ito ang kinumpirma ng isang opisyal ng White House kung saan gaganapin umano ito sa Nobyembre 15.
Tatalakayin ng dalawang opisyal ang tensiyon sa Taiwan, human rights at kalakalan.
Nagkaroon ng hindi pagkakaunawan ang dalawang bansa dahil sa ginagawang pagpapalipad ng eroplanong pandigma ng China sa Taiwan.
Iginiit ng US na handa nilang tulungan ang Taiwan sakaling lusubin sila ng China.