-- Advertisements --

Nagkausap sa pamamagitan ng tawag sa telepono sina US President Joe Biden at Chinese President Xi Jinping.

Ayon sa White House, tinalakay ng dalawang lider ang responsibilidad ng dalawang bansa.

Wala aniyang problema kung magkaroon ng kumpetisyon bast hindi magreresulta ito sa awayan ng dalawang bansa.

Nagkaroon kasi ng bahagyang tensiyon ang samahan ng dalawang bansa sa usapin ng kalakalan, espionage at pandemic.

Ito na ang pangalawang pag-uusap ni Biden kay Xi mula ng maupo sa puwesto nitong Enero.