-- Advertisements --
Nakatakdang magkita ng personal si US President Joe Biden at Chinese President Xi Jinping sa araw ng Lunes.
Kapwa kasi nagpahayag ang dalawang lider na dadalo sa G20 summit sa Bali, Indonesia.
Ayon kay White House press secretary Karine Jean-Pierre, na tatalakayin ng dalawa ang pagsisikap para mapanatili at mapalalim ang linya ng komunikasyon nila.
Kasama ring tatalakayin nila ang ilang regional at global issues na napapalibot sa dalawang bansa.
Magugunitang nagkaroon ng tensyon ang US at China matapos ang pagbisita sa Taiwan ni US Speaker of the Nancy Pelosi.
Itinuturing kasi ng China parte pa rin nila ang Taiwan.
Mula noong naupo si Biden ay limang beses na niyang nakausap sa telepono si Xi.