Kinontra ni U.S. Democratic presidential candidate Joe Biden ang pahayag ni US President Donald Trump na makipagdebate sa kaniya sa susunod na linggo.
Inihayag ng Democratic contender na walang mangyayaring debate sa kanila ng Republican President hangga’t hindi pa ito makarekober sa coronavirus.
Una nang sinabi ng 74-anyos na Pangulo na nilayon niyang lumahok sa debate na naka-iskedyul sa Oktubre 15, dalawang linggo matapos itong nagpositibo sa deadly virus.
Samantala, pinakabagong nagpositibo naman sa COVID-19 ang most trusted adviser ni Trump na si Stephen Miller.
Siya ang nagsilbing senior aide ng Pangulo at laging kasama nito lalo pa’t siya rin ang top speechwriter at policy adviser nito.
Una nang nagpositibo sa virus ang ilang staff ng White House na kinabibilangan nila ni Press Secretary Kayleigh McEnany, dalawang press office employees at Kellyanne Conway.
Nagpositibo rin si First Lady Melania Trump at dalawang senador ng Estadus Unidos.