-- Advertisements --

Nagpahayag ng muling pagtakbo sa pagkapangulo pagdating ng 2024 si US President Joe Biden.

Sinabi nito na ito ang isa sa kaniyang plano kung saan makakasama niya pa rin si US Vice President Kamala Harris.

Sa panayam sa kaniya sa White House na nais niyang maging 2-term president hindi gaya ng kaniyang pinalitan na si President Donald Trump.

Aminado ito na hindi pa niya ito masyadong iniisip dahil sa malayo pa aniya ang susunod na halalan.