Magtutungo si US President Joe Biden na ito sa Miami Florida sa araw ng Biyernes ng umaga sa Pilipinas kung saan naganap ang pagguho ng 12-palapag na gusali.
Ayon kay White House Spokesperson Jen Psaki na makakasama nito sa nasabig biyahe si First Lady Jill Biden.
Sinabi nito na nais ng pangulo at may bahay nito na pasalamatan ang mga first responders at mga search and rescue teams na nagtutulong-tulong para sa paghanap ng mga nawawala sa pagguho ng gusali.
Nais aniya nilang tiyakin na ang mga state at local officials ay mayroong sapat na resources para sa kanilang rescue efforts para sa emergency declaration na aprubado ng pangulo para sa Miami-Dade Florida.
Magugunitang mag-aanim na araw na ng maganap ang pagguho ng gusali kung saan 12 lamang ang kanilang nahanap na bangkay at mayroong mahigit 150 pa ang nawawala.