-- Advertisements --

Nakatakdang bisitahin sa susunod na linggo ni US President Joe Biden at first lady Jill Biden ang Hawaii.

Layon ng nasabing pagbisita ay para magsagawa ng survey sa pinsalang idinulot ng malawakang wildfire sa nasabing isla.

Makikipagpulong ito sa ilang mga first responders at survivors ganun din ang mga federal state at local officials.

Pagtitiyak nito na hahatiran nito ng tulong ang nasabing mga biktima ng malawakang sunog.

Magugunitang umabot na sa 106 katao ang nasawi at inaasahang ito ay madaragdagan pa dahil sa may mga naiulat na nawawala pa.